Top-Up Liter Balance vs. LOCQPay:
Alin ang Mas Tipid Para sa Iyo?

June 25, 2026

May dalawang paraan para makatipid sa gasolina gamit ang PriceLOCQ, pero hindi sila parehong angkop sa lahat ng sitwasyon. Alamin kung aling feature ang mas magpapatipid sa iyo.

Kung bago ka pa lamang sa PriceLOCQ, madaling isipin na ang dalawang pangunahing feature ng app — ang Top-Up Liter Balance at ang LOCQPay — ay magkapareho lang. Parehong ginagamit sa SEAOIL stations, kailangan ng LOCQPay balance, at parehong makakatipid ka.

Pero ang pinagkaiba ng gamit ng dalawang features na ito ay nakadepende sa tamang timing.

Ang Pangunahing Pagkakaiba: Peso vs. Litro

Bago natin subukan kung alin ang "mas tipid", kailangan muna nating maunawaan kung paano gumagana ang bawat isa.

LOCQPay: Pay at Today's Price, Anytime

Ang LOCQPay ay ang in-app digital wallet ng PriceLOCQ. Mag-cash in ka ng pera gamit ang GCash, debit/credit card (Visa, Mastercard, o JCB), BDO, BPI, UnionBank, Billease, o Plentina, at gamitin ang balance na iyon para magbayad sa station via Scan-to-Pay.

Paano makakatipid dito? Kapag nag-bayad ka gamit ang LOCQPay balance sa isang participating station, awtomatikong mae-enjoy mo ang LOCQPay Everyday Discount — hanggang ₱5 off bawat litro ng gasoline at hanggang ₱2 off bawat litro ng diesel (depende sa stasyon).

Sa madaling salita: magcash in ka, pumunta sa station, scan ang QR code, at bayaran mo ang gasolina sa discounted price sa kasalukuyang presyo sa station.

Top-Up Liter Balance: Lock In the Price, Redeem Later

Ito ang core na konsepto ng PriceLOCQ at ang dahilan kung bakit ito natatanging fuel tipid app sa Pilipinas.

Sa halip na mag-ipon ng pera, mag-iimbak ka ng litro. Gamitin mo ang iyong LOCQPay balance or ibang payment methods para bilhin ang gasolina o diesel sa presyo ngayon — at ii-store ang mga litrong iyon sa iyong Liter Balance sa loob ng app. Maaari kang mag-stock ng hanggang 600 liters sa lahat ng fuel grades (Gas 91, Gas 95, Gas 97, at Diesel) sa isang pagkakataon.

Paano makakatipid dito? Kapag umakyat ang presyo ng gasolina sa susunod na linggo (o buwan), magre-redeem ka pa rin sa presyo na binayaran mo noong nag-top-up ka. Ang litrong binili mo sa ₱60 ay mananatiling ₱60 — kahit ₱75 na ang pump price.

Tipid tip: Mas lalong makakatipid ka pa kung gagamit ka ng payment method na mayroong ongoing promo, gaya ng promo ng Atome kung saan pwede kang makatipid ng hanggang P5/L sa mai-imbak mong gasolina sa app.

Sitwasyon 1: Gusto mo ng instant tipid — LOCQPay ang Sagot

Halimbawa, nasa station ka na, kailangan mo ng gasolina ngayon, at hindi pa sigurado kung aakyat o bababa ang presyo sa susunod na linggo. Gamitin ang LOCQPay.

Ang discount ay awtomatikong magre-reflect basta nasa participating station ka na kasama sa listahan ng tumatanggap ng LOCQPay Everyday Discount. Walang kailangang isipin at walang kahit anong risk. Ang kailangan mo lang gawin ay mag-scan at mag-bayad.

Halimbawa: Kung ang pump price ng Gas 95 sa iyong station ay ₱74/L at may ₱5/L LOCQPay discount, magbabayad ka ng ₱69/L. Para sa 40-liter fill-up, nakatipid ka ng ₱200 sa isang transaksyon.

Sitwasyon 2: May parating ng price hike — Top-Up Liter Balance ang sagot

Kapag nakita mong may malaking pagtaas na paparating, iyon ang tamang oras para mag-Top-Up Liter Balance.

Halimbawa: Binili mo ang 200 liters ng Gas 91 ngayon sa presyong ₱61/L (kabuuang ₱12,200). Sa susunod na dalawang buwan, umakyat ang presyo sa ₱75/L. Kapag nag-redeem ka sa halagang ₱61/L mo parin ito babayaran o nabili. Nakatipid ka ng ₱2,800 sa 200 liters na iyon, kumpara sa kung nagbayad ka sa pump price.

Ito ang uri ng tipid na hindi ibinibigay ng kahit anong app o credit card cashback program.

Sitwasyon 3: Bumababa ang presyo — LOCQPay ang better choice

Ito ang sitwasyon na marami sa ating mga users ang hindi isinasaalang-alang: paano kung mag-top-up ka ng liters at bumaba pala ang presyo?

Kapag may rollback, ang iyong naka-lock na presyo ay posibleng mas mataas kaysa sa kasalukuyang pump price. Sa ganitong sitwasyon, mas mabuting gamitin ang LOCQPay (para makapamili ka sa mas mababang pump price) at itabi muna ang iyong Liter Balance para sa ibang pagkakataon — o i-consume mo ito bago pa mas lalong bumaba ang presyo ng gasolina.

Paano maiiwasan ito?

Sa pag-iimbak ng gasolina sa PriceLOCQ, siguraduhing ang bibilhin na amount ay sapat lamang sa pang-isang linggo o buwanan na gamit. Tandaan na ang presyo ng gasolina ay paiba- iba at mahirap asahan o hulaan.

Ang pinakamatalinong PriceLOCQ users ay ginagamit ang price chart sa loob ng app (na nagpapakita ng 6-buwang history ng fuel prices) para malaman kung kailan mag-top-up — at default sa LOCQPay Scan to Pay sa lahat ng ibang oras.

Quick Guide: Alin ang Gagamitin?

Gamitin ang Top-Up Liter Balance kapag:

Gamitin ang LOCQPay Scan to Pay kapag:

Sa huli, ang PriceLOCQ ay dinisenyo para magbigyan ng kontrol ang mga tao sa kabila ng pagtaas-baba ng presyo ng gasolina. Ang tunay na tipid ay nanggagaling sa pag-alam kung kailan gagamitin ang bawat feature.

Don’t have PriceLOCQ yet? I-download na ito sa App Store o Google Play at simulan ang iyong fuel savings journey ngayon.

Para sa pinakabagong listahan ng participating stations at promo terms, bisitahin ang help.pricelocq.com.

Share blog via
Back to Blogs